Alamat ng mga Barangay

ALAMAT NG ANAWAN

Panahong lisanin ng mga Kastila ang ating bayan, ay may isang lugar na ito ay may limang pamilya na taal na naninirahan dito. Ang isang pamilya ay nakatira na malapit sa may dagat at ito ay sina Mang Edu at sina Aling Justina ay nakatirang malapit sa ilog na malaki. Sa ilaya pagkatawid ng ilog ay pamilya nina Mang Macario at Mamang Isabelo. Sa may ilog na maliit ay pamilya nina Aling Basilia.

Ang lugar na ito ay sagana sa tanim na anahaw. Anahaw na siya ang ating pambansang dahon. Anahaw na napakaraming pagkakagamitan sa pang-araw-araw nating kabuhayan. Kaya’t ang lugar na ito ay tinawag na sitio Anahaw. Sa paglipas ng panahon ay mayroong dumating na isang Ilokanong binata na naging tagapatnubay sa mga bata sa lugar na ito. Ang dayuhang ito ay tumibok ang puso sa isang napakirikit na dalaga. Naging magsing- irog ang dalawa subalit naging napakalupit sa kanilan ang tadhana dahil tutol ang mga magulang ng dalaga sa kanilang pag-iibigan sapagkat ang nasabing dalaga ay napagkasundo na ng kanyang magulang sa lalaking napupusuan para sa kanilang kaisa-isang anak. Kay’t walang nangyari sa kanilang tapat at wagas na pag-iibigan. Nagpasiya na ang dayuhan na lumayo at sa paglisan niya ay umiiyak na nagmamahal sa kanya. Sa paglisan ng binata ay nasambit nito “ PAALAM SITIO ANAHAW AT PAALAM NA IIWAN NA KITA.”. Ang lugar na nagdulot sa kanya ng saya at kabiguan sa pag-ibig.

Sa paglipas ng panahon ang nasabing dalaga ay namatay at dito sa puntod na pinaglibingan sa kanya ay mayroong tumubong ANAHAW. Dumaan ang marami pang taon ang sitiong ito ay naging isang barangay. Ito ay tinawag na Barangay ANAWAN, na nagmula sa salitang ANAHAW at ng dalagang INIWAN ng kanyang nililiyag. Sa ngayon ang barangay na maraming anahaw at dalagang iniwan ay isa nang barangay na masaya, tahimik at patuloy na nagkakaisa ang mga taong naninirahan ito, ang pagkakaisang ito ang nagiging daan tungo sa kaunlaran ng barangay.

ALAMAT NG BRGY. BUCAO

Noong unang panahon, may isang lugar na walang Pangalan sa dakong Hilaga ng ating pulo. Pagsasaka at pangingisda ang ikinabubuhay nila samantala, sa isang sulok ng gubat ay may nakatirang mag-asawang bingi na ang hilig ay manghuli at mag-alaga ng mga hayop lalung-lalo na ng mga ibon. Sa kabayanan ng pulong ito ay dumaong ang isang barkong pandigma ng mga kastila kaya napilitan ang mga Pilipinong lumaban at ipagtanggol ang kanilang bayan, pero dahil sa lakas ng puwersa ng mga kalaban ay napilitan silang umatras at magtago sa mga liblib na lugar. Nasakop nga ng mga dayuhan ang pulong ito kaya naging alipin ang mga tao sa pulong ito sa loob ng kung ilang daang taon. Sa pananatili ng mga kastila dito ay natutunan nila ang wikang tagalog.

Minsan, nagpasama si Gob. Hen. Elwell Pozzorubio sa kanyang mga tauhan upang mangaso, at sa hindi inaasahang pangyayari, sila ay naligaw sa kagubatan, at sa kanilang patuloy na paglalakad upang hanapin ang daan pauwi, nakasalubong nila ang mag-asawang bingi na may dalang isang uri ng panggabing ibon na malaki ang mata at maitim ang kulay at ireregalo nila sa kanilang kaibigan na taga-bayan. Agad na hinarangan nila ang mag-asawa sabay tanong ng Heneral, “Anong lugar ito”? Pero ang pagkakaintindi ng Mag-asawa ay itinatanong sa kanila kung anong uri ng ibon ang dala nila, kaya sabay nilang sinabing “BUGKAW”. Kaya buhat noon ang lugar na iyon ay naging bughaw at kinalaunan ang salitang “BUGKAW” ay napalitan ng “BUCAO”.

LEGEND OF BALESIN

Formerly Balesin is an island of a big and wide rocks and no one dwell in this island except birds, snakes and land crabs. But one time, strong typhoon came and the land was over flow by water and when this island appear it was already covered with sand and soil, so after, trees, coconuts grew on it, and it was time when notorious pirate Esequel saw this place and he decided to dwell in this place. He made this place sanctuary where his treasure was burried. This place was called Esequel Sanctuary that was 17 century. When Esequel was gone and the Spanish came to the Philippines, one of the Spanish priest Father Pelejo own the land. He give the name this place “ BALEHIN”. When Fr. Pelejo died this place was sold to Mr. Welmer Schetleigh in 1960. On the year 1967 it was sold again to a millionaire , Mr. Edgardo Tordicillas. Then he gave this place new name “ BALESIN” , in a reason that this place have plenty of a beautiful sceneries.

ANG ALAMAT NG BIGYAN

Ayon sa mga ninuno ng nakalipas na maraming panahon, ang bayan ng Polillo ay iilang tao ang naninirahan. Ito ay ang mga katutubo, na kung saan ay hindi alam ang pinagmulan. Sa tinagal-tagal ng panahon, dumami ng dumami ang mga tao na naninirahan dito. Nang dumating ang mananakop na mga Kastila ay namahala sila sa bawat puntahan nilang lugar dito sa Pilipinas, na taglay ang Kristianismo at makaharing pag-uutos, na ang hindi sumunod ay may parusang hampas. Ngunit marami pa rin ang hindi sumusunod at sila’y pinarurusahan at kinukulong.

Nang dumating ang mga Amerikano ay tinubos sa pagka-alipin ng makaharing sistema ng kastila ang mga katutubo. Dito’y nakipag-negosasyon ang mga Amerikano sa punong tagapamahala ng Kastila upang tubusin ang mga bihag. Nagkasundo at ngakaroon ng tipanan na kung saan magtatagpo. Dala ng mga Kastila ang mga bihag at ang mga Amerikano ay ang pantubos.

Ang tipanan ay sa makatawid ng tulay ng San Francisco. Sa pagtatawaran ay naglalakad sila. Nang malapit na sila sa ikalawang ilog ay tinambangan sila ng iba pang Amerikano upang makatiyak ng kaligtasan ng mga bihag (ang lugar na ito ay tinawag ngayong “tambangin.”)Dahil sa hapdi at sakit sa kabit-kabit na pagkakatali ng mga bihag, ay napasigaw sila “Bigyan na ninyo kami ng laya, hirap na hirap na kami”. Nang marinig ng mga kastila ang salitang “Bigyan” ay akala ay iyon ang lugar na usapan, kaya pinakawalan ang mga bihag at ibinigay sa mga Amerikano.

Magmula noon ang lugar na ito ay tinawag na “BIGYAN”, magpahangga ngayon.

ANG ALAMAT NG BINIBITINAN

Noong unang panahon kakaunti pa ang naninirahan dito sa pook na ito. Kabilang dito ang mag-asawang katutubo. Ang lalaki ay nagngangalang “Tinan”. Sila ay masayang namumuhay dito. Subalit tulad ng mga ordinaryong mag-asawa, nagkaroon sila ng pagtatalo na nauwi sa hiwalayan. Mahal na mahal ni “Tinan” ang kanyang asawa. Hindi niya kayang mabuhay na wala ito. Dahilan sa kawalan ng pag-asa na magkakasundo pa silang mag-asawa, kumuha siya ng tali at tinali niya ito sa punong malaki na nasa kanilang likod bahay . Doon nagbigti si Tinan. Kinabukasan ng dalawin siya ng kanyang kaibigan ay nagulat ito sabay sambit na “Binitin si Tinan”. Kaya sa kalaunan, ang pook na iyon ay tinawag na “BINIBITINAN”.

ALAMAT NG BISLIAN

Sa simula pa lamang ang nasabing lugar o pook ay sitio pa lamang (ang nasabing lugar o pook) ATULAYAN kung saan iilan pa lamang ang naninirahan dito. Sa pagdaan ng panahon dahil sa kalayuan nito sa mismong “centro” ng Atulayan sa panahon na ang mga kababaihan ay nasa panahon ng panganganak ay dinadala na lamang nila sa nakilalang matandang mahusay magpa-anak o magpa “BUSLI”. Hanggang sa mga karatig na lugar ay natuklasan na rin ang kahusayan sa pagpapa-anak ng nasabing matanda kaya dinayo na rin ito ng iba pang malapit na lugar. Sa patuloy na pagsilang ng sanggol ay dumami na ng dumami ang mga tao at naninirahan dito. Sa pagdami ng tao ay nagkaroon na nang pagkakataon na mgparehistro bilang isang Barangay na rin. Sa simula ay kilala ito sa pangalang “BUSLIAN”. Subalit pinalitan ng “BISLIAN” upang maging maganda naman sa pandinig. “BUSLIAN” na ang kahulugan ay “paanakan” pinalitan ng “BISLIAN” upang maging maganda sa ang tunog nito.

ANG ALAMAT NG AGTA-KALUBAKIS

Ang AGTA ay isa sa mga kilalang Barangay sa bayan ng Polillo. Isang pamayanang matatagpuan sa tabing dagat at tanging pangingisda ang hanapbuhay ng tao. Ayon sa kasaysayan, ang AGTA ay isang pook na tahimik at magubat. Dahil sa ang mga Ita ang unang pangkat ng tao na nakarating sa ating bansa mula sa ASYA, sila ay mabilis na kumalat sa iba’t – ibang panig ng Pilipinas. Isa sa mga pook na kanilang ginawang tirahan ay ang “AGTA” na ngayon ay tinatawag na KALUBAKIS. Sila ay nanirahan sa isa sa mga bundok na kung tawagin ay “PINAGBANDIRAHAN”. Sa bundok na ito sila nangunguha ng kanilang mga pagkain. Sagana sa mga bungangkahoy at hayop ilang ang bundok na ito, kaya’t nawili silang nanirahan dito.

Habang dumaraan ang panahon, lalo pang naragdagan ang bilang ng mga Ita na doon ay nanirahan, hanggang sa kumalat na rin sila sa kapatagan at baybay dagat. Unti-unti na ring narating ng mga karaniwang tao ang tirahan ng mga Ita. Laking gulat nila ng makita nila ang mga Ita. Sila ay kulot ang buhok, maitim ang balat, pandak at sarat ang ilong. Hindi nagtagal, dumami na rin ang mga tao nanirahan sa pook na ito. Naging kaibigan din ng mga Ita ang mga karaniwang tao, at kung ikaw ay pupunta rito at tanungin ka kung saan ka pupunta ang isasagot nila ay “diyan sa Agta”, dahil ang ibig sabihin ng “AGTA” ay “ITA”. Mula noon ay tinawag ng “AGTA”.

Sa pook ding iyon ay may mga taong dumating upang magmina ng “Carbon:. Nagdala sila ng maraming kagamitan para sa pagmimina mga taong 1960. Ang dating magubat na pook ay unti-unting nilinis at di nagtagal ay nagkaroon ng paaralan. Ang mga unang guro dito ay mag-asawang Romeo at Patty Tena. Nasundan pa rin ito ng iba pang mga guro. Dumami na rin ang mga mag-aaral at ngayon ang Agta ay isa nang tahimik at masayang Barangay ng KALUBAKIS.

ALAMAT NG LANGUYIN

Sa isang dako ng bayan ng Polillo ay may isang pook na pinaninirahan ng iilang kamag-anakan. Ang lugar na ito bagamat malayo sa bayan ay sagana naman sa likas na yaman. Ang malawak na dagat na nasa gawing silangan na kanilang pinanahanan ay napagkukunan nila ng sapat na ikinabubuhay. Ang malawak na kagubatan , ang luntiang taniman na kanilang pinagyayaman sa pamamagitan ng kanilang tulong-tulong na pagsisikhay.

Ang iilang pamilya na salat man sa makabagong kagamitan ay nabubuhay naman ng maligaya at matiwasay. Sila ay nagdadamayan at nagkakaisa. Ang pook na kanilang pinananahan bagamat may isang malawak na ilog na hatian ay hindi naging handlang sa kanilang pagsasamahan. Ang ilog na ito na lubhang napakalalim, malakas ang agos ng tubig na bago mo marating ang kabilang pampang ay maaari mong pagbuwisan ng buhay. Lalo at walang kasanayan sa paglalangoy .

Isang araw ang anak ni Ka Baste ay dumating buhat siya sa ibang lugar. Marami siyang dalang damit, pagkain at kasangkapan noon lamang nakita sa kanilang lugar. Tuwang – tuwa sila sa mga bagay na naririnig nila sa munting bagay na tumutunog na dala ng anak ni Ka Baste. Nagtataka sila kung bakit may mga taong nagsasalita sa loob nito. Ang bagay na ito ay nagging usap-usapan sa kabilang pampang ng ilog. Gusto nilang malaman at makita kung ano ang hitsura ng nakatutuwang bagay na kanilang nababalitaan. Subalit hindi madali ang makarating sa kabila ng ilog.

Isang umaga habang masayang nag-uusap ang mga magkakalapit-bahay ng bigla silang gulantangin ng isang malamyos na awitin. Hinanap nila ito kung saan nagmumula. Hanggang mapatapat sila sa bahay nina Ka Baste, noon ay kampanteng nakikinig sa magagandang awitin sa kauna-unahang “Transistor Radio” na nakarating sa kanilang lugar. “Halina, mga kasama ang tugtugin dito ay lubhang nakakaaliw at nakakaalis ng pagod”. Dagling nagsilapit ang mga kapit-bahay at di nag-laon ay masaya na silang sumasabay sa awitin. Habang ang iba ay sumasayaw sa tugtog.

Ang nasa kabilang pampang ng ilog ay naganyak na pumakabila. “Languyin natin”, anang isa. “Sige”, sang-ayon naman ng iba. At sama-sama nga nilang nalangoy ang kabilang ilog. Sa mga di mabilang na pagkakataon, langoy ang ginagawa ng mga nasa kabilang pampang para makarating sila sa kabila.

Minsan may naligaw na taga-ibang bayan. “Anong lugar ito”? Hindi nila masagot dahil hindi rin nila alam ang ngalan ng kanilang pook. Walang anu-ano’y may sumigaw sa kanilang likuran. “Languyin mo dito, Languyin mo dito.” , ang isang lalaking may dalang bayong. “Sige lalangoy kami, sagot naman ng nasa kabila. “Languyin mo, sige languyin natin mga katagang paulit-ulit na sinasabi ng mga taong gusting sumakabila. At paglipas ng mga araw, dumami ng dumami ang mga taong nanirahan sa magkabilang pampang. At bukang bibig na Languyin mo, Languyin natin, sa kinalaonan ang naging katawagan sa munting baryong umusbong sa kabila ng ilog.

Sa kasalukuyan ang BARYO LANGUYIN ang lugar na mayroong magagandang tanawin at malawak na languyan.

ALAMAT NG CANICANIAN

Noong unang panahon, ang bayan ng Polillo ay binubuo ng mga sitio lamang. Sa isang dako ng bayang ito ay may isang sitio na sagana sa likas na yaman. Makikita rito ang naglalakihang mga puno na kung tawagin ay “BANSALAGIN”. Kaya naman ang lugar na ito ay tinawag na “SITIO BANSALAGIN”.

Noon ay isang mag-anak pa lamang ang masaganang naninirahan dito. Sa paglipas ng mga araw, ang kanilang mga anak ay dumating sa hustong gulang. Isang araw ay pinatawag silang lahat ng siha ng kanilang ama. Ito ang sinabi sa kanilang ama. “Yaman din lamang na kayo’y nasa tamang edad na, at alam ko namang gusto na ninyong mabuhay na nag-iisa. Kahit magkanya-kanya na kayo sa pag-aalaga at pagpapaunlad sa mga likas-yamang nasa ating paligid upang pagdating ng tamang araw ang lahat ng yamang iyan ay inyong pakikinabangan.

Dahil sa pagkakanya-kanya sa mga gawaing-pangkabuhayan walang naging suliranin ang mag-asawa.

Lumipas pa ang maraming taon, dumami nang dumami ang pamilyang naninirahan sa lugar na iyon, sa puntong ito, kailangan nang gawing isang Barangay ang Sitio Bansalagin. Mula sa salita ng kanilang ama na KANYA-KANYA kayo ng gawain nabuo ang salitang “CANICANIAN” sa halip na Bansalagin.

Ipinaloob sa Barangay na ito ang 3 pang mga sitio ang Sitio Bansalagin, Sitio Combo, at Sitio Catabad.

ALAMAT NG PAMATDAN

Noong unang panahon ay mayroong isang liblib na lugar dito sa nasasakupan ng bayan ng Polillo na ang pawang naninirahan ay mga katutubo na kung tawagin ay mga dumagat. Ang lugar na ito ay lubhang malayo sa kabayanan, kaya’t ang ikinabubuhay dito ng mga katutubo ay sa dagat at sa kagubatan. Dito ay may isang look na noong una ay lubhang napakarami ng isda na iyong mahuhuli kung ikaw ay mamimingwit o mangangawil, kaya dito ang mga dumagat ay tuwang-tuwa kapag sila ay mangangawil dahil sa malalaki ang nahuhuling isda, kadalasan nga ay lagi silang napuputulan o nalalagutan ng kanilang pangkawil ng isda dahil sa malalaki ang isda. Ang tawag nila sa nalalagot na pangkawil ay napapatid, kaya ang lugar na iyon ay tinawag nilang PAMATDAN. Tuwing may matatanong kung saan sila namimingwit ang sagot nila ay ay diyan sa PAMATDAN. Magbuhat noon ang lugar na iyon ay tinawag ng PAMATDAN at ng tumagal at nagkaroon na ng mga taong tagalong na doon na naninirahan ay tinawag nilang PAMATDAN.

Mula noon ay iyon na ang naging bansag sa lugar na iyon.

ALAMAT NG BARANGAY PILION

Kaalinsabay ng paglikha sa sansinukob ang pagkakaloob ng biyaya sa isang pamayanan na maituturing nating isang paraiso sa ganda ng kapaligiran.

Ito ay binubuo ng kapatagan humigit kumulang sa ____ ektarya na dito’y may mga sapa at ilog na masaganang binubukalan ng tubig na masarap na pamatid uhaw, bukod pa rito’y naglalaman ng pagkakalaki at napakatabang ulang o hipon. May mga kabundukan din na nasasakop ang pamayanang ito na dito’y masusumpungan ang mga likas na bungang kahoy na pagkain ng ating mga ninunong aeta, tulad ng limuran, bulala, halupag, kuliat, pusu-pusuan, bag-ang usa, kutkutin, parisukit at marami pang iba. Sagana rin sa kagubatan ang nasabing bulubundukin. Ang mababangis na baboy damo subali’t anu-ano ito kung inilalaga na marami ring usa na masustansya at masarap ang tapa. At ang unggoy na ang karne ay sinasabing gamot sa panghihina ng katawan. Hindi rin pahuhuli sa bilang ang kaget o kalangat na sa kagubatan ng mga bundok na namumugad ang mga busal na punong kahoy ay napapalamutian ng pagkagagandang orkidyas mula sa kabundukan at kapatagan ang ilog ay humahangga sa karagatan, dito’y masusumpungan ang saganang isda at hipon at alimango, hindi rin pahuhuli sa ganda ang mga gangga bundok na bato na siyang pinakatanggulan kung may bagyong dumadalaw upang mabasag ang pangahas na “tidal wave.”

Sa napakagandang pamayanang ito ay namumuhay ng payapa ang mga sambahayang mababait, masipag at pangunahing mga magulang. Ang mag-asawang Fe at Leon gayundin ang marami pang iba na sina Ambrocia at Domingo, Bernardo at Policarpio, Segundina at Alfonso at marami pang iba. Sa kasawiang palad ang payapang pamayanan ay sinalakay ng mga tulisang dagat sa pamumuno ni Carlon. Sa pagtatanggol ng nasa pamayanan ay nasawi ang mag-asawang Fe at Leon sapagka’t anong laban ng tabak at sibat sa mga sandatang pumuputok. Ang kakaibang buhay at kamatayan ng mag-asawa ay pinagmula ng mababait nilang balangay binigyan sila ng magandang kapatagan at ito’y tinawag nila sa Pamagat na Felion.

Hanggang sa ito’y natuklasan ng mga dayuhang maghahanap-buhay kaya babantog ang dakong ito tulad ni Nardong ibon o Nardo, saan galing ang mga kalangay na iyan? Ah doon sa Felion “Aba Amang Peping saan ang punta ng iyong Batel” (large sail boat) A doon sa Felion, kukuha ng raha at saka alimango. Anupat ang pangalan ng dako ay ibinigay sa karangalan ng mag-asawang dahil sa pagmamahal sa naturang pook ay doon binawian ng buhay. Hanggang sa paglawig ng panahon inabot na rin ito ng iba’t-ibang lahi tulad ng mga Bicol-Visaya at dahil sa totoong mayaman ang lugar na ito, payapa ritong nananahan ang humigit kumulang na 200 bahay (household) sa kasalukuyan at masdan nyo ngayon ang maayos na kalye ng Barangay Pilion ito ay original na isinagawa ng unang nanirahan dito sa pagtutuloy-tuloy ng mga kabalangay nina Fe at Leon walang ibang barangay na ganito kayos ang kalsada, dito sa Polillo Island kaunti itong Pilion at ang isang makapagpapatutuong dito’y sagana noong unang panahon ang malaki at matutubong uling ang dating Teacher o Guro ay naging Punong Bayan o Mayor walang iba kundi ang Kgg. Na NECERINA T. AZAGRA na kilala sa tawag na NANA NENE, at kasalukuyang naninirahan dito sa bayan ng Polillo, Quezon at kasalukuyang buhay pa at tagapanguna sa mga gawaing Espiritual tulad ng pagrorosaryo sa bahay-bahay sa Purok uno. Kaya ang dating mag-asawa na si Fe at Leon ngayon ay naging PILION sa katagalan ng panahon at narehistrong isang Barangay sa bayan ng Polillo noong Sitio pa lamang ng Bansalagin na ngayon ay CaniCanian at ito ay kauna-unahang nagkaroon ng paaralan taong 1957.

Matapos ang Leberasyon taong 1945 nasimula ng humiwalay ang naturang Fe Leon na ngayon ay isa sa matatawag na magandang Barangay sa bayan ng Polillo, Quezon walang iba kundi ito ngang BARANGAY PILION.

ALAMAT NG BRGY. PINAGLUBAYAN

Noong araw, ang Pinaglubayan ay isang lugar na walang taong naninirahan. Ito’y sagana sa iba’t ibang likas na yaman, tulad ng mga punong kahoy, na namumunga, mga halamang namumulaklak, mababangis na hayop gaya ng usa , baboy damo, unggoy at iba’t ibang uri ng ibon ng halos hindi na natin Makita.

Hindi naglaon, ang masaganang kagubatang ito ay naging makasaysayan sa dalawang taong nagmamahala na sina Pina at Bayani, na kapwa mga Bicolano. Dahil sa kagandahan at kasaganaan ng lupa sila ay nahikayat na manirahan dito. Hinimok din nila ang kanilang kababayan subalit iilan lang ang sumama sa kanila. Lumipas ang mga araw, nagbunga ang kanilang pagmamahalan na sinaksihan ng mayabong na punong kahoy na kung saan sa ilalim nito ay mayroong “basid”, isang bunton ng buhangin mula sa katabing ilog. Subalit sadya yatang mapagbiro ang tadhana sapagkat si Pina ay nagtaksil sa kanyang pangako kay Bayani hanggang sa siya ay tuluyang lumayo dito at sumama sa ibang lalaki.

Magmula noon walang oras na hindi naala-ala ni Bayani ang kanyang pinakamamahal na si Pina, ang kaisa-isang babaeng sinamba at minahal niya. Palagi siyang tumatangis hindi niya matanggap ang kataksilan ni Pina. Nananalangin siya kay Bathalang ibalik ito sa kanya. Ang puno na lang na naging saksi sa kanilang pagmamahalan ang kanyang tanging kaulayaw. At sa lugar ding iyon natagpuan ang kanyang malamig na bangkay sa kadahilanang iginupo ang kanyang katawan ng matinding karamdaman at kawalan ng pag-asa sa buhay. Magmula noon ang lugar na iyon ay tinawag ng “Pinaglumbayan”bilang pag-alala sa naging kasawian ni Bayani. Nang lumaon tinawag na itong “PINAGLUBAYAN” na galling sa salitang “lumbay”.

ANG ALAMAT NG SABANG

Noong bagong dating pa ang mga kastila dito sa Isla ng Polillo ito ay nabalitaan ng mga tao mula sa baybayin ng Luzon. Pinagsikapan nilang tawiran ang kipot (strait) ng Polillo sa pamamagitan ng bangkang may layag wala silang madatnang tao sa baybaying ito na maaaring pagtanungan kung anong pook ito na maganda at maputi ang buhangin kaaya-ayang pagmasdan ngunit wala silang makitang pagpapasukan ng kanilang bangka, kaya sa tulong ng hanging amihan sila ay naglayag patungong timog sa tabi ng baybayin ng Polillo.

Makalipas pa ng isang oras nakakita sila ng isang ilog sapat para pagpasukan ng kanilang mga bangka, nakita nila ang magandang kapaligiran ang pantay at matabang lupa dito. Pagkaraan ng isang araw na pamamahinga, bumalik sila sa Luzon para ibalita sa kanilang kasamahan at kaibigan ang kanilang natagpuan. Walang pagkasiyahan sa tuwa na naibalita ito sa kanilang mga kaibigan nila, pupunta kami uli roon at magtatagaroon na kami.

Ang magandang suwerteng natamo nila sa pook na ito ay nabalitaan ng nilang kaanak at kaibigan ipinamalita rin nila na kung sila’y paririto at dadaong sa may look ng Polillo ay maglayag sila patungong timog hanggang sa makita nila ang isang bunganga ng ilog na napakaalwan ang pagsabang (pagpasok) dito.

Simula noon sa tuwinang may pariritong mula sa ibang panig ng Luzon ang kanilang natatandaan at naala-ala ay ang maalwang pag-Sabang sa bukana ng ilog na ito. At tanging bukambibig ang salitang “SABANG” (pagpasok) hanggang sa kasalukuyan ay narito pa ang nasabing ilog na gingawang pagpasukan ng mga taga rito ng mga bangka nila kung may bagyong darating.

Dumami ng dumami ang mga tao at bumuo sila ng isang pamayanan isang barangay na maunlad na pinangalanan nila ito ng “SABANG’ halaw at isinunod sa salitang pagsabang (pagpasok) sa bukana ng ilog na ito.

Halaw mula sa mga sinaunang kasaysayan.

ALAMAT NG BARANGAY SALIPSIP

SALIPSIP, isa lamang sa mga Barangay o Nayon ng Polillo. Ito ay kabuuang labing (14) na kilometro mula sa Poblacion. Ang mga tao rito ay may apelyidong Azul, Azagra, Abetrica, Azcuna, Ustare, Sollestre, Solleza, Puchero, Coralde at Toledo.

Ang mga taong naglilingkod o namuno noon bilang Tenyente Del Baryo ay sina Victorio Azul, Cornelio Azul, Esteban Ustare, Esteban Azul at Pobleo Azul (1962) Ang mga naging Kapitan o Punong Baranggay ay sina Florentino Abetria (!964-67), Romarico Azul (1968-71), Sixto Abetria (1972), Romarico Azul (1982-84), Veronica Azul Dejoras (1985-94), Juanito Azul (1995).

Ang lugar na ito ay may malawak na hibasan o panagatan. Marami ritong nakukuhang mga lamang dagat. Ayon sa mga unang tao rito, ang lugar na ito ay umiinog sa isang mayumi, tahimik, maganda at mabait na dalaga. Sunod-sunuran ang dalagang ito sa kanyang mga magulang. Mahigpit ang mga magulang ni Sally kaya wala ni isa man sa mga binatang magkaroon ng lakas ng loob na magtapat sa dalaga. Samantala, si Arthur ay isang makisig, masipag at mahiyaing bata. Lingid sa kaalaman ng lahat na may itinatago palang pagtingin ang binata sa dalaga. Minsan, sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nagkatagpo sila sa panagatan. Biglang nagkaroon ng lakas ng loob si Arthur na sabihin ang nilalaman ng kanyang dibdib. Hindi nahirapan na magtapat dahil agad naman siyang sinagot ng dalaga sa labis na katuwaan ay bigla na lamang niyapos ng binata ang dalaga at hinalikan sa lips. Isang aksidente naman na may bata palang nakasaksi sa dalawa. Kaya biglang sumigaw ang bata ….Aba! Aba! Sa .. sa.. si … Sally, sinisipsip ni Arthur sa lips …. lips. Sa labis na kagilaanan ng bata ay agad itong nagtatakbo papunta sa bahay ng magulang ni Sally, at sinumbong ang kanilang nasaksihan. Galit na galit ang magulang ni Arthur. Hindi nagtagal at ikinasal ang dalawa. Laging tampulan ng kuwento sa buong barangay ang pangyayari. Kaya napagkaisahan ng namumuno rito na iparehistro na ang lugar na ito na SALIPSIP.

ANG ALAMAT NG BARANGAY SIBULAN

Kalagitnaan noon ng paghahari ng mga Kastila sa Pilipinas nagkaroon ng di-masabing tagsangit sa bayan ng Polillo. Sa kinatatayuan ngayon ng Barangay Sibulan kapansin-pansin noon ang isang bukal sa tabi ng isang maliit na sapa na sagana sa patuloy at malayang pagdaloy ng malinaw at sariwang tubig nito sa kabila ng matinding tagsangit. Isang pamilya ng mga katutubo ang dito ay palagiang sumasalok ng tubig palibhasa’y di naman kalayuan ito sa kanilang salong (ito ang tawag nila sa kanilang barong-barong). Sa kasalatan ng tubig inumin napansin ito ng kapuwa nila katutubo, kaya’t dito na rin nagtayo ng kani-kanilang salong ang mga katutubo. Pangangaso at pangingisda ang hilig ng mga katutubo na kung saan ito ang pangunahin nilang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay. Subalit dala ng pangangailangan, nagtatanim din sila bagaman at walang kaayusan. Mayroon sitaw, kadyos , mais at saging-bulog sa malapit sa kanilang barong-barong . Buhay dumagat nga ang paraan ng kanilang pagtatanim. Dala ng tagsangit, di-tumubo ang mga itinanim nilang binhi kaya’t nalimutan nila itong pansumandali. Iniukol nila ang kanilang sarili sa kinahiligang pangangaso at pangingisda na kung saan dito ay sagana sa isda, alimango at mga lamang dagat. Gayundin naman sa kagubatan at maging sa pakatan ay sagana sa baboydamo, ibon at mga labuyo.

Makalipas ang maraming araw, minsan sa pangangaso ng isa sa matanda sa tribo , pagsapla / paglura niya ng kanyang nganga, napansin niya ang sumisibol na mga binhi, Sa pagkabigla / katuwaan napasigaw siya ng “ast, sibul na”, sabay sa pagbuhos ng ulan kasunod din nito ang sigaw niyang ulan, at inulit-ulit pa niya itong binigkas habang tumitilamsik ang nganga sa bibig “sibul-ulan na, sibul-ulan na”. Wala pa noong pangalan ang pook, bilang palatandaan kung saan sila nag-iistar / namamalagi sinasabi nilang sila ay naistar (natira) sa Sibul-ulan na. Sa paglakad ng panahon ang Sibul-an na ang tirahang mga katutubo ay naging SIBULAN hanggang sa kasalukuyan.

ALAMAT NG QUIDANUM (TALUONG)

Noong unang panahon may tatlong lalaki nagpasiyang maglakbay sa baybayin ng dulong silangan ng Infanta. Sila Quiterio, Numberto at Daniel. Sumakay sila ng bangkang dilayag at tinawid nila ang kalawakan patungo sa natatanaw nilang pulo. Sa pag-asang may mas magandang kapalaran na naghihintay sa kanila. Nakarating sila sa isla na pagod na pagod na pagod dahil sa sumasagwan sila kapag mahina na ang simoy ng hangin. Dahil sa uhaw at gutom ay nagpasiya silang maghiwa-hiwalay upang kumita ng tubig na maiinom at prutas na makakain . Tinahak nila ang kalupaan at pinasok nila ang kagubatan. Maya-maya ay sumigaw ang isa sa tatlong lalaki na walang iba kundi si Quiterio at ang sabi niya ay Danum! Danum! na ang kahulugan ay “Tubig “, masagana at malinaw na tubig. Tuwang-tuwa sila dahil natagpuan nila ang maraming bungang kahoy, mga hayop gubat at marami ring isda sa pook na iyon. Kaya’t nagpasya silang doon na manirahan kasama ang kanilang pamilya. At magmula noon ay tinawag nila ang pook na “QUIDANUM”. “QUI” dahil ang pangalan ng taong unang nakakita ng tubig ay si Quiterio, isinunod nila ang “, “Danum” buhat sa salitang tubig. Ngunit sa pagdaan ng panahon ay pinalitan ito ng pangalang “TALUONG”, na siyang inirehistro bilang pangalan ng nayon at ang Quidanum ay nagging sitio na lamang, ngunit hanggang sa ngayon ang sentro ng nayon ay tinawag pa ring “QUIDANUM”.

ANG ALAMAT NG TAMULAYA

Noong unang panahon ay hindi malaman ng bawat tao kung ano at saan itatala ang mga pamuwisan ng bawat tao dahilan sa noon ay napakagulo ng buhay, Sa kanilang pagkakamali ay patay agad ang hatol, sa madaldal ay putol ang dila at makialam ng hindi kanya at pinuputol ang kamay o di kaya ay pinapatungan ng apoy ang kamay upang hindi pamarisan ng iba.

Lumipas ang salit-saling lahi dito sa ating bayan, parin ang pagsunod sa batas ng mga dayuhan na lubhang napakahirap. Halos hindi matiis ng mga kababayan ang mga batas na pinaiiral tulad ng mga hayop na inaalagaan ng mga tao kinukuha ang magustuhan, pinapatay ang kinaiinisan. Kaya noong 1940 nakaisip ang mga kalalakihan na magbuo ng lakas laban sa mga mapang-aping dayuhan at dito mismo sa bulubundukin na tigkabilang panig ay parang at palayan, dito nakipaglaban ang mga samahan ng kalalakihan laban sa mapang-aping Hapones. Nakipaglaban sila ng ngipin sa ngipin na maraming mga kalalakihan ang nagbuwis ng buhay maipagtanggol lamang ang Inang Bayan laban sa mapagsamantalang dayuhan. Sa awa at tulong ng mga matatandang magdadasal ay pinakinggan ng Poong Lumikha ang kanilang mga hinaing at isang madaling araw at may narinig silang isang tinig na sumisigaw na makamtan ng Inang Bayan ang kalayaan laban sa mga dayuhan at dito mismo sa isang bukid sa bandang Norte sa Pulo ng Polillo nakamtam ang “Tamonglaya” ibig sabihin ay binigyan ng mga dayuhan ng kalayaan. At dito nagsimula ang pangalang “TAMULAYA” na ngayon ay isang maunlad na baranggay na hindi mo masasabi na napakaraming mga kalalakihan ang nagbuwis ng buhay at mismong isang taal na tagarito ang nakipaghamok kahit buhay niya ay inilaan para sa kalayaan ng lahat. Lalo’t higit ang mga nainirahan na mga mahal niya sa buhay, ama, ina, asawa at mga anak ay nagkaroon ng katahimikan at walang agam-agam na mangyayari sa kanila sa darating na bukas sa dako pa roon.

Noong una ang Balesin ay isang islang may malalaking mga bato at walang nakatira dito kundi ang mga ibon, ahas at mga alimango. Ngunit isang araw, malakas na bagyo ang dumating dito at ang isla ay napuno ng tubig . At nag ang islang ito ay lumitaw , ito ay nababalot na ng lupa at buhangi, at pagkatapos ng mga puno, ang niyog ay sumibol dito. At noon din nakita ng masamang piratang si Esequel ang lugar na ito at siyay nanirahan dito.